P100 milyong marijuana winasak sa Kalinga

Ayon sa PNP-DEG, Mayo 3 at 4 nang isagawa ang operasyon sa Barangays Loccong at Buscalan, Tinglayan, Kalinga.
Michael Varcas / File

MANILA, Philippines — Winasak ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group ang tinatayang nasa P100 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang  nasamsam sa Kalinga.

Ayon  sa PNP-DEG, Mayo 3 at 4 nang isagawa ang operasyon sa  Barangays Loccong at Buscalan, Tinglayan, Kalinga.

Binunot  at sinira ang  nasa 225 kilo ng  pinatuyong dahon ng marijuana at 122,500 fully grown marijuana plants sa Brgy. Loccong na nagkakahalaga ng  P51.5 milyon.

Nakumpiska naman sa Barangay Buscalan ang  nasa 137,500 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng  P27.5 milyon at 75,000 marijuana plants na  tinatayang nasa P15 milyon.

Nadiskubre rin sa lugar ang  45,000 marijuana plants na may halagang  P9 milyon.

Wala namang naaresto sa mga taniman ng marijuana sa mga isinagawang operasyon.

Pinuri naman ni PNP-DEG  chief Dioniso Bartolome, Jr. ang operasyon ng kanyang mga tauhan. Aniya, patuloy ang  kanilang  kampanya laban sa iligal na droga.

Show comments