^

Probinsiya

2 parak, suspek din sa pagpatay sa police captain

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 parak, suspek din sa pagpatay sa police captain
Tangkang sisitahin lang sana ng biktimang si Capt. Roland Arnold Suarez Moralde ng 14th Regional Mobile Force Battalion ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) si Mohaliden Ramalan Untal dahil may sukbit na baril sa baywang ngunit pumalag ito at kumasa kaya umano sila nagkapalitan ng putok.
STAR/File

COTABATO CITY , Philippines —  Hindi lang isa kundi anim ang suspek, dalawa sa kanila ay sinasabing mga pulis, ang sangkot diumano sa pagpatay sa isang police captain sa loob ng isang palengke, sa sentro ng bayan ng Parang, Maguindanao del Norte nitong Huwebes dahil lang sa simpleng hindi pagkakaunawaan.

Tangkang sisitahin lang sana ng biktimang si Capt. Roland Arnold Suarez Moralde ng 14th Regional Mobile Force Battalion ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) si Mohaliden Ramalan Untal dahil may sukbit na baril sa baywang ngunit pumalag ito at kumasa kaya umano sila nagkapalitan ng putok.

Lumalabas sa imbestigasyon na limang kamag-anak ni Untal, dalawa sa kanila ay mga police master sergeants, ang agad na kumampi sa kanya at halinhinang pinagbabaril si Moralde hanggang sa mabuwal dahil sa mga tama ng bala sa naturang insidenteng na-record ng mga CCTV o security cameras sa mga establisimyento sa kapaligiran.

Sa nasabing insidente, parehong bulagta at nasawi sa palitan ng putok sina Untal at Moralde na Bicolanong taga-Luzon na nadestino lang sa PRO-BAR sa Camp SK Pendatun sa bayan ng Parang.

Kinumpirma nitong Biyernes ni Major Christopher Cabugwang, hepe ng Parang municipal police, ang pagsuko sa kanila ng dalawang mga pulis na sangkot sa pagpaslang kay Moralde ngunit tumanggi siyang kilalanin ang mga ito.

Ilang mga halal na opisyal ng Parang at sa mga karatig na bayan ng Buldon at Matanog, ilan sa kanila mga Islamic missionaries, ang nag-ulat sa mga reporters na ang dalawang mga pulis na ayaw kilalanin ni Cabugwang ay sina Master Sgt. Aladdin Solaiman Ramalan at Master Sgt.  Shariff Macarongon Balading.

Tatlong kamag-anak pa ni Untal, sina Bocari Ramalan, Uddin Ramalan at Pappo Ramalan ang kinumpirma ng naturang mga local officials na may kinalaman din sa brutal na pagpatay kay Moralde, batay sa isang written report ng Parang Municipal Police Station sa PRO-BAR at Maguin­danao del Norte Provincial Police Office na pirmado ni Cabugwang na kanilang ipinakita sa mga reporters. 

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with