Buntis na dolphin, natagpuang patay sa tabing dagat
LUCENA CITY, Philippines — Wala ng buhay nang matagpuan ang isang stranded na dolphin sa baybay-dagat ng Sitio Dulong Buhangun, Barangay Dalahican sa lungsod na ito, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay City Agriculture Officer Jaira Lou Merano, agad siyang nakipag-ugnayan sa tanggapan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Provincial Fisheries Office (BFAR 4A-PFO-Quezon) na agad namang tumungo sa nasabing lugar upang tingnan ang kalagayan ng nasabing dolphin.
Pagkatapos masuri ang sitwasyon ng dolphin ay agad din silang nakipag-ugnayan sa Office of the Provincial Veterinarian na nagsagawa ng necropcy sa nasabing dolphin.
Ang mga nakuhang sample specimen’s ng dolphin ay dadaan pa sa masusing pagsusuri bago malaman ang dahilan ng ikinamatay nito.
Ayon kay Allan Castillo Chief Fishing Regulations Officer, Fisheries Management, Regulatory and Enforcement Division ng BFAR Calabarzon, tumitimbang ng humigit kumulang sa 50 kilos at may 2 meters at 13 inches ang haba.
Ang nasabing dolphin ay isang Pantropical spotted species at base sa inisyal na pagsusuri ay buntis ito dahil sa may fetus na natagpuan sa sinapupunan nito.
- Latest