23 ‘sabungero’ tiklo sa tupada

Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

INFANTA, Quezon, Philippines — Dalawampu’t tatlong indibidwal ang dinakip ng lokal na pulisya sa isinagawang pagsalakay sa isang iligal na operasyon ng sabungan sa Purok Centro, Barangay Dinahican, ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Isinagawa ang operasyon laban sa mga sabungero na nagtutupada dakong alas-4:30 ng hapon ng pinagsanib na puwersa na pinangunahan ng Infanta Municipal Police Office kasama ang RMFB PRO4A at 1st QPMFC, 4th Platoon.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Infanta Police Station ang mga dinakip at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602, na partikular na nagbabawal sa mga ilegal na aktibidad ng sabong o “tupada”.

Show comments