2 suspek sa robbery, timbog sa Nueva Ecija

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Dalawang armadong lalaki na res­ponsable umano sa mga insidente ng theft at robbery ang naaresto ng pulisya sa hot pursuit operation noong Sabado sa Barangay Abar 1st, sa lungsod ng San Jose, lalawigang ito.

Bagama’t hindi pa pinangalanan, sinabi ni P/Col. Richard Caballero, Nueva Ecija Police provincial director, na nagkakaedad ang dalawang suspek sa 20 at 25, kapwa walang trabaho at residente ng San Jose City, NE.

Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong Robbery, Theft at paglabag sa RA10591 o illegal possession of Firearms and ammunitions.

Ang dalawang wanted  ay nalambat ng pinagsanib na puwersa ng San Jose City Police, Bongabon PS, 2nd PMFC, at Intel Unit ng NEPPO sa pangunguna ni P/Lt. Col. Ariel Enriquez, hepe ng pulisya ng San Jose City.

Ayon sa ulat, lumalabas na ang dalawa ang responsable sa naganap na magkasunod na nakawan sa Science City of Munoz noong Abril 11 at naitalang theft incident, at sa Rizal, NE noong Abril 13.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang Isang homemade 9mm at isang caliber .45 na may mga lamang bala, na kanila umanong puwersahang inagaw sa dalawang security guard na naka-duty sa magkahiwalay na gusali sa Brgy. Bantug, Science City of Munoz. (

Show comments