Calabarzon cops nakaalerto sa transport strike

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nasa “alert status” na ang mga pulis ng Calabarzon(Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon)para tiyakin ang seguridad ng publiko lalo na ang mga commuters sa nakatakdang dalawang araw na transport strike.

Ayon kay Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, Calabarzon regional director, ang pagtaas ng alerto sa kanilang hanay ay nangangahulugan na gagawin ng Calabarzon police force ang lahat ng kanilang tungkulin at pagmo-monitor upang masiguro na magiging maayos at mapayapa ang dalawang araw na transport strike na dineklara ng mga grupong Piston at Manibela sa Abril 15 at 16, 2024.  

Limang provincial directors at chiefs of police ang inatasang maglatag ng kanilang mga contingency plan sa pakiki­pagkoordinasyon sa mga local government units at iba pang law enforcement agencies upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero at maasistehan ang mga maapektuhan sa strike.

“We are also organized a Reactionary Standby Support Force (RSSF) for immediately deployment upon orders and created a Red teaming which will task to supervise and oversee the conduct of the strike,” pahayag ni Lucas.

Ang mga police personnel na nagbabantay sa mga checkpoints at nagsasagawa ng police operations ay inatasang ipatupad ang “maximum tolerance” at irespeto ang mga karapatang pantao.

“Sa ating mga kapulisan, maging mahinahon at mapagpasensya tayong lahat sa pagganap natin sa ating mga tungkulin. Huwag natin pairalin ang init ng ulo lalo na ngayong mainit ang panahon. Ganoon din panawagan ko na let us strictly observed,” dagdag ni Lucas.

Pinaalalahan din ng opisyal ang mga tauhan na bawal ang paggamit ng cellphone habang nasa duty, alinsunod sa direktiba ni PNP chief Gen. Rommel Marbil, maliban lang sa kaso ng “emergency”. 

“Sinuman mahuli na lumabag nito ay mapapatawan ng karampatang parusa,” babala ni Lucas.

Nabatid na magtuwang ang pulisya at LGUs na magpapakalat ng sasak­yan para sa “Libreng Sakay Program” sa mga pasaherong maaapketuhan ng transport strike.

Show comments