16 beteranong Pinoy ng World War II ginawaran ng US Congressional Medal

President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. leads the 82nd anniversary of the "Araw ng Kagitingan" or Day of Valor at Mount Samat National Shrine in Pilar, Bataan on April 9, 2024.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Labing-anim na Filipino World War II ve­terans ang ginawaran ng medalya ng United Stated (US) Congress kasabay ng paggunita sa ika-82 taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan at 2024 Philippine Veterans Week sa ginanap na seremonya sa Balanga City, Bataan, ayon sa ulat nitong Martes.

Sinabi ni Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) director Usec. Reynaldo Mapagu, ang okasyon ay ginanap kamakalawa sa Bunker ng lungsod kung saan ang mga beterano ng WWII ay tumanggap ng US  Congressional Gold Medal.

Ang US Congressional Gold Medal ay ang pinakamataas na pagkilala na ipinagkakaloob ng US Congress sa mga indibiduwal at grupo na nakapag-ambag sa kasaysayan ng Amerika, kultura at siyensiya.

Pinangungunahan naman ng PVAO ang paggawad ng bronze repilica ng US Congressional Gold Medal sa mga indibiduwal na awardees sa Pilipinas simula pa noong 2018.

Kabilang sa mga Filipinong WWII veterans na tumanggap ng parangal ay walo sa kanila ang buhay pa na sina Pvt. Benjamin  Malibiran (94-anyos), Pvt. Clarita  Cabrera (96-anyos ), Pvt. Cipriano Florendo (98 anyos), Pvt. Rodolfo Javier (99 anyos), Pvt. Roldolfo Javier (99-anyos), Pvt Purificacion Cortex (99 anyos), Pvt. Onofre Bugay (101-anyos) at Pvt. Aurelia  Zabala (102-anyos). Samantala, 9 naman ang posthumous awardees na kinatawanan ng kanilang mga pamilya na sina Col. Alfredo Acedera, Sgt. Francisco  Borela, Sgt. Angel  Murillo, Cpl. Carlos  Pizzaro, Pvt. Martin Francisco, Pvt. Bernardino  Gannapao, Pvt. Jaime  Rodolfo, Pvt. Francisco  Valdez, at Master Sgt. Manuel  Cezar.

Si Mapagu ang kumatawan kay Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa seremonya kasama sina Defense Usec. for Civil, Veterans and Reserve Affairs Pablo M. Lo­renzo, U.S. Naval Attaché Capt. Noel Corpuz, U.S. Department of Veterans Affairs-Manila Regional Benefit Office Assistant Director Kevin  McAllister at Bataan Governor Jose Enrique  Garcia III.

“Our World War II heroes fought for and won the freedom that we enjoy today. That is a debt we can never repay. However, with our ceremony, we hope that we can let our veterans know that their contributions to our country will continue to benefit the generations to come,” mensahe ni Teodoro para sa mga beterano na binasa ni usec Mapagu.

Sa tala, ang nasabing seremonya ay ika-30 US CGM Awarding Ceremony dito sa Pilipinas kung saan umaabot na sa 961 Filipino WWII veterans ang tumanggap ng medalya simula noong 2018.

“For us, in The Philippine Veterans Affairs Office, no stone will be left unturned and every effort is being made to ensure that we honor each and every one of our WWII heroes,” giit pa ng opisyal.

Show comments