Miyembro ng drug group, 2 pa huli sa Bacoor buy-bust

CAVITE, Philippines — Nalaglag sa pulisya ang isa umanong miyembro ng kilabot na drug syndicate at dalawang galamay nito sa inilatag na buy-bust operation kamaka­lawa sa Brgy. Talaba 3, Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Kuya”, 38-anyos, residente ng Brgy. Zapote 1, Bacoor City, kasapi ng Velasco Drug Group; alyas “Ronnie”, 46-anyos at alyas “Angelica”, 26; kapwa residente ng Taguig City at mga high value target ng pulisya.

Batay sa ulat, alas-6:30 ng umaga nang ilatag ng Bacoor Police ang buy-bust laban sa mga suspek.

Nang maiabot s aposeur buyer ang biniling droga, agad na dinakma ang mga suspek.

Narekober sa tatlo ang 3- transparent plastic sachet at isang plastic na nakabuhol na pawang naglalaman ng mga shabu na may timbang na 50 gramo at may halagang P340,

Nakumpiska rin sa mga suspek ang drug money na ginamit sa operasyon at kotseng Honda PCX (845DKS) na kanilang ginagamit sa illegal na transaksyon.

Show comments