Vintage bomb nahukay sa construction site

MANILA, Philippines — Isang vintage bomb na natuklasang unexploded ordnance (UXO) o hindi pa sumasabog ang nadiskubre sa isang construction site sa San Mateo, Rizal, Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Explosive Ordnance ng Rizal Provincial Police Office, bandang ala-1:20 ng hapon ng Abril 5, 2024  nang itawag sa kanila ng mga opisyal ng Barangay ang natagpuang bomba sa construction site  sa Block  2 Lot 2 Tierra Monte Phase 4A, Barangay Silangan, San Mateo, Rizal.

Inireport ito ng isang Doroteo Jemino, 60- anyos, sa barangay na nakakasakop sa construction site na agad namang pinuntahan ng mga tauhan ng EOD.

Maayos na nai-secure ang bomba mula sa construction site at gumagawa ng hakbang ang mga awtoridad para sa ligtas na disposal o pagpapasabog nito.

Show comments