^

Probinsiya

13 batang estudyante sa Nueva Vizcaya ‘sinaniban’!

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
13 batang estudyante sa Nueva Vizcaya âsinanibanâ!
Ayon sa mga guro, umabot na sa 13 estud­yante ng Grade 5 at 6 ng Li­ngay Elementary School na matatagpuan sa Brgy. Bonfal East, Bayombong Nueva Vizcaya ang araw-araw na sinasapian ng mga masasamang espiritu simula pa noong Marso 15.
STAR / File

Dasal at ritwal isinagawa vs bad spirits

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Nasa mahigit 10 estudyante mula sa isang pampublikong paaralan ang binabantayan ngayon ng mga alagad ng simbahan matapos umano silang “sani­ban” ng mga masasamang espiritu, sa bayang ito.

Ayon sa mga guro, umabot na sa 13 estud­yante ng Grade 5 at 6 ng Li­ngay Elementary School na matatagpuan sa Brgy. Bonfal East, Bayombong Nueva Vizcaya ang araw-araw na sinasapian ng mga masasamang espiritu simula pa noong Marso 15.

Napag-alaman na karamihan sa mga sinasapian ay nakakakita umano ng mga itim na wangis ng babae na tumatawag sa kanila sa isang malaking puno na nasa pagitan ng silid-aralan ng Grade 5 at Grade 6.

Iba’t ibang lider na ng simbahan at relihiyon ang nag-alay ng dasal at tumulong na rin para mapalayas ang mga masasamang espiritu sa mga mag-aaral subalit patuloy pa rin ang mga bata na sinasapian.

Kamakalawa ng hapon, nagsagawa na ng ritwal at nag-alay ng isang baboy sa loob ng paaralan batay na rin sa kagustuhan umano ng mga espiritu sa pamamagitan ng isang manggagamot.

Umaasa ang mga guro, mag-aaral at mga magulang na matigil na ang pagsanib ng mga masasamang espiritu sa mga mag-aaral matapos isagawa ang ritwal.

SPIRITS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with