^

Probinsiya

Pawnshop niransak, P1 milyong cash at alahas nilimas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Aabot sa P1 milyong cash, cellphone at mga alahas ang natangay ng mga miyembro ng hinihinalang “Akyat-Bahay Gang” matapos nilang ransakin ang isang pawnshop-money changer habang kasagsagan ng Semana Santa, kama­kalawa sa Brgy. Mendez Crossing East, Tagaytay City.

Dakong alas-7:45 ng umaga araw ng Sabado nang madiskubre ng may ari ng CVM Pawnshop and Money Changer na napasok ang kaniyang establisimyento at halos ubusin ang laman nito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-report sa kanila si Josephine Bayba­yon, Branch operation specialist ng CVM Pawnshop matapos madiskubre na napasok ito ng mga ‘di nakilalang suspek.

Nang puntahan ni Ruel Cuyo, may-ari ng nasabing pawnshop upang buksan ay dito niya nadiskubre na naransak at napasok ito ng mga magnanakaw. 

Natangay ng mga suspek ang may P127,969 cash money,  1,700 US dollar, P47,000 Korean won, 129 na iba’t ibang klase ng nakasanlang alahas at gadgets.

MONEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with