Grass fire: 8 ektarya natupok sa Zamboanga
MANILA, Philippines — Umaabot sa 8 ektaryang damuhan ang natupok sa naganap na “grass fire” sa hangganan ng Brgy. Putok at Tugbungan sa lungsod ng Zamboanga, ayon sa ulat nitong Sabado.
Ang insidente ay sa gitna na rin ng “dry spell” o matinding tagtuyot na nararanasan sa Region 9 at maging sa iba pang bahagi ng bansa.
Sa ulat ng Zamboanga City Fire Marshal, bandang alas-11 ng tanghali nang magsimulang kumalat ang apoy nitong Huwebes sa kugunan, talahiban, mababang punong kahoy, damuhan kung saan nadamay rin sa insidente ang mga tanim na puno ng niyog sa lugar.
Ayon sa ilang nakasaksi, may mga bata umanong nagsiga ng basura at dahil sa tuyo ang mga damo sa lugar ay mabilis na kumalat ang apoy.
Tumagal ng mahigit na anim na oras ang sunog bago tuluyang naapula ng awtoridad.
- Latest