CAVITE, Philippines — Naaktuhan ng pulisya ang tatlong hinihinalang sugapa sa illegal na droga na nagsasagawa ng “pot session” sa ginawang pagsalakay sa isang drug den sa lungsod ng Bacoor, kamakalawa ng gabi.
Ang mga suspek ay kinilala lang sa mga alyas na Billy, 37-anyos; Rolly, 32-anyos at Ryan, 32-anyos; pawang ng Brgy. Mabolo, Bacoor City.
Sa ulat ng pulisya, alas-10 ng gabi nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office IV-A, Cavite at Laguna PO, Bacoor City Police-SDEU at PNP Cavite Maritime ang nasabing drug den sa Brgy. Mabolo.
Naaktuhan ng raiding team ang mga suspek na nagsasagawa ng shabu session at narekober sa kanila ang may mahigit sa 12 gramo ng shabu na aabot sa halagang mahigit kumulang sa P100,000, mga drug paraphernalia at drug money.