Rider sumalpok sa nakaparadang trak, tepok

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang nasawi matapos mabangga ang nakaparadang dump truck sa Batangas City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, binabaybay ng biktimang si Rodolfo Bacay ang national highway sa Brgy. Dalig nang mabangga niya ang likurang bahagi ng nakaparadang dump truck sa tabing kalsada.

Namatay rin ang rider habang dinadala sa Batangas Medical Center.

Ang driver naman ng trak ay ini­lagay muna sa kustodiya ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Show comments