^

Probinsiya

Guro sa Cebu sibak sa trabaho matapos hikayatin mga estudyante mag-suicide

James Relativo - Philstar.com
Guro sa Cebu sibak sa trabaho matapos hikayatin mga estudyante mag-suicide
Litrato ng University of Cebu (UC)-Banilad campus
The FREEMAN, File

MANILA, Philippines — Tanggal sa trabaho ang isang guro ng University of Cebu (UC) matapos ma-videohang in-eengganyo ang mga estudyanteng magpatiwakal — bagay na labis niya raw na "ikasasaya."

Sa video na ito na unang kumalat sa TikTok, maririnig na hinihikayat ng hindi pa pinangaangalanang guro ang mga mag-aaral na mag-"self harm." 

"Mag-suicide mo, I don't care. I will still laugh... Og moambak mo sa building ingna akong ngalan kay ganahan ko ana. I would love it g’yud kong mo-suicide mo," sabi ng lalaking guro sa Cebuano.

(If you commit suicide, I don't care. I will still laugh... If you jump from a building, call my name because I would love that. I would love it should you commit suicide.)

"It's the greatest pleasure to cause your death. I enjoy your suffering, don't forget. You're giving me a very blissful gift."

Hindi na mahanap sa ngayon ang orihinal na video sa in-upload ni @hellu8862 ngunit na-download at paskil na ito ng iba sa Facebook, bagay na umani na ng libu-libong komento at reaksyon.

Maraming estudyante na rin ang naglapit ng kanilang reklamo sa FB page na UC Confessions patungkol sa parehong guro. Ang ilan dito ay ang diumano'y panghihipo ng estudyante, panghihiya sa estudyanteng lesbyana, atbp. 

Maraming estudyante rin daw ang natatakot dahil sa dami diumano ng kuneksyon ng ina ng guro. Marami na rin aniyang nursing students ang na-trauma ng ginawa ng guro.

Guro tanggal habang counseling umarangkada

Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ni UC Chancellor Candice Gotianuy na tanggal na ang naturang guro mula sa pamantasan.

"He is no longer connected with UC. His mother, who was a teacher, has also followed suit," sabi ni Gotianuy sa Facebook.

"I am suspending classes for one week for the students concerned."

 

 

Nasa 30 psychiatrists, psychologists, guidance counselors, atbp. ang magtutungo sa UC-Banilad ngayong linggo. Iisa-isahin daw ang mga estudyante para mag-ulat sa kung ano ang nangyari.

Nagsimula naman na raw kahapon ang counseling para tasahin ang estado ng mga estudyante matapos ang insidente.

Bubuksan din daw ang ganitong serbisyo para sa lahatn ng magulang, estudyante, guro at staff na mangangailangan nito. Lalapitan na rin ng legal team ang mga sangkot na indibidwal upang maitala ang kanilang karanasan.

"The Faculty is in full agreement  that his actions are absolutely unacceptable," patuloy ni Gotianuy.

"We fully understand you as we also think and feel the same way. By suspending classes, we are giving students time and space to heal. By letting him go and asking the students to see a counselor, we are rebuilding our safe place."

Hinihikayat ng Department of Health ang mga taong nangangailangan ng propesyunal na tulong na kontakin ang National Center for Mental Health hotlines gaya ng 0917-899-USAP (8727) o 899-USAP (8727); o ang Mind Matters hotline sa 09189424864.

MENTAL HEALTH

SUICIDE

TEACHER

UNIVERSITY OF CEBU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with