QUEZON, Nueva Vizcaya, Philippines – Walang nakitang paglabag ang audit team ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) Regional Office No. II matapos magsagawa ng inspection para sa Tenement, Safety and Health, Environment, and Social Development and Management (TSHES) ng FCF Minerals Corporation – Runruno Gold Project na nakabase sa Barangay Runruno sa bayan na ito.
Sa limang araw na pagbusisi ng anim na mga technical personnel ng MGB ay metikulosong sinuri ang mga accomplishment reports ng minahan batay sa mga Terms and Conditions na nakapaloob sa Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA) batay na rin sa Republic Act No. 7942, o ang the Philippine Mining Act of 1995.
Maliban sa isinagawang assessment at pag-review sa mga dokumentadong impormasyon ay nagsagawa rin ng sariling interview ang audit team sa mga residente sa loob at labas ng minahan kabilang na ang iba pang mga sector.
“As an initial result, FCF has been found to be in compliance with the regulations, demonstrating its commitment to sustainable development goals,” pahayag ng MGB.
Ayon naman kay General Manager for Operations Lorne Harvey, sinabi nito na pangunahing layunin ng FCF Minerals Corporation ay ang kapakanan, kaligtasan ng mga tao at proteksyon sa kalikasan upang maisulong ang responsible mining.