Pamamaril sa mga residente sa Angeles City, pananagutin

MANILA, Philippines — Pananagutin ang umano’y nasa likod ng mga pamamaril sa Angeles City, Pampanga, na ikinasugat ng ilang residente sa paglusob ng demolition team.

Ito ang pangako ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. at kinokondena ng pamamaril sa mga residente, nitong nakaraang Marso12, sa Sitio Balubad, Barangay Anunas,kung saan anim ang nasugatan.

Batay sa ulat, nag-ugat umano ang madugong kaganapan bunsod sa matagal nang alitan sa pagitan ng mga residente sa nasabing lugar at ng demolition team ng Clarkhills Properties Corp. dahil sa pinagtatalunang lupain.

Nagsimula umano ang planong demolisyon sa nabanggit na lugar noong Oktubre 2023 ngunit hindi umano ito natuloy dahil sa pagharang ng mga residente ng Sitio Balubad,noong Pebrero 8, 2024, nagsagawa umano ng sorpresang demolisyon ang demolition team ng Clarkhills na nagresulta ng mainit na komprontasyon nito sa mga residente.

Nabatid na ilang beses umanong nagsagawa ng demolisyon sa nasabing sitio na hanggang sa humantong sa pamamaril nitong Marso 12.

Ayon sa mga testimonya ng mga saksi, ang mga security guard ng Clarkhills ay nagpaputok umano ng baril patungo sa mga residente habang itinatayo nilang muli ang kanilang mga pader na winasak ng mga demolition crew, na nagresulta sa pagkakasugat ng mga ito.

Ayon sa mga residente, hindi umano ito ang unang pagkakataon na nagpaputok ang mga tauhan ng nasabing kompanya ng real estate.

Show comments