Karapatan ng kababaihan, isusulong ng lady solon sa United Nations

Thousands of men from various sectors pledge their support in combating violence against women at an event to celebrate Women’s Month at Camp Karingal in Quezon City on March 9, 2024.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Month, sumaludo ang isang kongresista sa kakayahan at katatagan ng mga kababaihan at sinabing kanyang ipagpapatuloy ang pagsisilbi at ipaglalaban ang kanilang mga karapatan tungo sa “gender equality”.

Inihayag ni San Pedro, Laguna Rep. Ann Matibag na kanyang isusulong ang mga karapatan ng mga kababaihan at nakatakda siyang dumalo sa isang makabuluhang sesyon sa United Nations.

Nabatid na ng 40-anyos na mambabatas ang kanyang fellow sa Kamara na si Rep. Geraldine Roman na lilipad patungong Estados Unidos upang dumalo sa ika-68 Session ng Commission on the Status of Women bilang mga kinatawan ng Pilipinas, na gaganapin mula Marso 14 hanggang 22 sa United Nations Headquarters sa New York City.

“The City of San ­Pedro is very supportive to women and gender equality and we’re very proud that it is also supported by our national government,” pahayag ni Matibag.

Sina Roman at Matibag, chairperson at vice chairperson ng House committee on women and gender equality, ay mga naitalaga ng House of Representatives para dumalo sa Bilateral Meeting sa mga miyembro ng European Parliament mula sa Committee on Women’s Rights and Gender.

Si Matibag ay nailagay rin bilang pangatlo ng nakaraang buwang survey ng RP-Mission and Deve­lopment Foundation Inc. ng House of Representatives-Calabarzon “Boses ng Bayan” Annual Report job performance ratings na may 88.8 percent.

Binansagan si Matibag ng mga kababayan na “LaguNanay” [Nanay from Laguna] dahil sa pagmamahal nito sa mga bata at mamamayan ng Laguna simula nang magsilbi siya bilang Provincial board member mula 2019-2022 at ngayo’y kongresista ng San Pedro City.

“All efforts, all works, all projects, and that’s from the love of LaguNanay,” Matibag said. “The City of San Pedro is really honored to be in the UN’s committee on women’s right and gender session.”

Show comments