^

Probinsiya

Film director, 3 pang kinasuhan sa pagsunog ng modern jeep, pinalaya

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Pinalaya ng korte nitong Lunes ang isang film director at tatlo pang kasamahan na kinasuhan dahil sa umano’y panununog ng isang modern jeepney sa Barangay Dahican, Catanauan, Quezon kamakailan.

Iniutos ng Catanauan Regional Trial Court, Branch 26 na palayain sa kulungan si Direk Jade Castro at tatlong iba pa na tinukoy lang sa mga pangalang “Ernesto”, 50, ng Bacoor City, Cavite; “Noel”, 54, civil engineer ng Binangonan, Rizal at “Dominic”, 28, isa ring civil engineer, ng Cabiao, Nueva Ecija. 

Ang mga akusado ay sinasabing kabilang sa mga armadong kalalakihan na nanunog ng modern jeep sa nasabing lugar noong Enero 16, 2024.

Ang release order ng apat ay nilagdaan ni Presiding Judge Julius Francis Galvez, dahil sa “unjustified arrest” ng Mulanay police.

Nabatid na kinatigan ng korte ang “motion to quash” na inihain ng legal counsel ng grupo ni Castro.

Sa ulat ng pulisya, si Castro at grupo nito ay naging bisita ng Mi-casa Resort sa Barangay Butanyod, Malunay, Que­zon noong nangyari ang panununog ng modern jeepney.

Lumalabas na dumating at umalis ang grupo sa resort sakay ng Mitsubishi Mirage at positibo silang kinilala ng mga testigo kabilang ang driver at mga pasahero ng public utility vehicle, na  sumunog sa isang modern jeep.

Bunsod nito, agad na nagsagawa ng operasyon ang Catanauan Police at inaresto si Castro at tatlong kasama.

JEEP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with