‘Quezon Province Medalya ng Karangalan’ bukas na muli ang nominasyon

MANILA, Philippines — Binuksan nang muli ang nominasyon ngayong taon sa pinaka-prestihiyosong parangal na “Quezon Medalya ng Kagitingan” para sa mga natatanging anak ng lalawigan ng Quezon.                               

Ayon sa Provincial Tourism Office, ang parangal ay iginagawad upang gunitain ang buhay ng dating pangulong Manuel L. Quezon at ipinagkakaloob sa mga inidibiduwal na nagpamalas ng angking galing at kontribusyon sa iba’t ibang larangan gaya ng Public Service, Health and Science, Humanities and Philanthropy, Agriculture, Environment, Education, Sports, at Culture, Music, and the Arts.

Nahahati sa dalawang kategorya ang nasabing parangal, ang Quezon Gintong Medalya ng Karangalan Life Achievement Award ay iginagawad sa ­Quezonian na nagpamalas ng katangi-tanging husay na kinikilala sa nasyonal at internasyonal na kanilang larangan dahil sa mahalagang kontribusyon nito.

Samantala, ang Quezon Medalya ng Karangalan Special Achievement Award ay iginagawad naman sa mga Quezonian na nagpamalas ng katangi-tanging kontribusyon na kinikilala sa lokal at probinsyal na kanilang larangan.

Sa opisyal na muling pagbabalik nito, bukas na rin ang nominasyon sa bawat kategorya kung kaya’t ang kwalipikadong Quezonian na nabanggit ay maaari nang mag-fill up sa link: https://bit.ly/3IctXsj.

Nakatakda namang magtapos ang nominas­yon para sa prestihiyosong parangal sa darating na Mayo 31, 2024 at para sa ibang mga katanungan at impormasyon, ma­kipag-ugnayan umano sa ­Facebook Page ng ­Quezon Provincial Tou­rism Office.

Show comments