Babaeng KSP sa BF, nag-imbentong ni-rape ng 3

Ayon kay “Gemma,” nagawa lang niyang mag-imbento ng kuwento sa pulisya na na-rape siya ng tatlong lalaki para mapansin ng kaniyang kinakasama.
STAR/File

MANILA, Philippines — Abut-abot ang pag­hingi ng paumanhin sa mga pulis ng isang 21-anyos na babae sa Puerto Princesa City, Palawan matapos niyang aminin na inimbento lang niya ang kuwentong ni-rape siya ng tatlong lalaki upang mapansin lang ng kanyang kinakasama.

Ayon kay “Gemma,” nagawa lang niyang mag-imbento ng kuwento sa pulisya na na-rape siya ng tatlong lalaki para mapansin ng kaniyang kinakasama.

Una rito, iniulat na sakay umano ng tricycle si Gemma nang halin­hinan umano siyang pagsamantalahan ng tatlong lalaki.

Kaagad na nagsagawa ng imbestigasyon ang Police Station 2 para mahanap ang mga suspek. Pero lumitaw na hindi totoo ang sumbong, na kinalaunan ay inamin din ni Gemma na gawa-gawa lang nito ang reklamo.

Inamin ni Gemma na kulang siya sa pansin (KSP) at kulang sa ­atensyon ang ibinibigay sa ng kaniyang live-in partner kaya gumawa siya ng kuwento upang subukan kung mahal pa siya nito at nagmamalasakit. Madalas din umano silang magtalo ng kaniyang nobyo at hindi rin tinutulu­ngan sa kanilang mga pangangailangan.

Bunsod nito, nagbabala ang pulisya na maaa­ring maharap sa kaso ang mga taong gumagawa ng pahayag kaugnay sa krimen na ikinaalarma ng pulisya at publiko.

Show comments