^

Probinsiya

’Chop-chop’ na lalaki na iniwan sa NBI office, tukoy na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki na drug personality ang sinasabing nagmamay-ari ng ­ilang parte ng katawan na nakalagay sa sako at iniwan sa harapan ng tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) Bacolod City kama­kailan.

Ito ang kinumpirma kamakalawa ni NBI Bacolod City chief Renoir Baldovino, ngunit hindi muna pinangalanan ang biktima dahil patuloy pa ang kanilang ginagawang beripikasyon mula sa technical division ng NBI Manila na nakatakdang dumating sa Bacolod City.

Ayon pa kay Baldovino, nakilala nila ang may-ari ng chop-chop ng ilang parte ng katawan dahil na rin sa mga lead na ibinigay ng kanilang mga informant.

Posible umanong ang taong nag-iwan ng mga chop-chop na katawan ng tao sa harapan ng NBI Office sa Bacolod City ay gustong manakot upang tigilan na nila ang kanilang aktibong kampanya kontra iligal na pasagulan sa lungsod.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bacolod City Police Office (BCPO) at bumuo na sila ng special investigation task group (SITG) na siyang tututok sa kaso.

Matatandaang dakong alas-5:45 ng umaga nitong Marso 1 nang madiskubre ang isang sako kung saan nakalagay ang ilang putol na bahagi ng katawan ng isang tao na kinabibilangan ng dalawang braso, kaliwang hita at dalawang tenga, sa harapan ng NBI Office sa kahabaan ng Aguinaldo St., ng nasabing lungsod.

Nakuha sa sako ang isang mensahe na nagsasaad na “William De Arca NBI protector ni Hanz Lopez drug lord”.

Ipinangtanggol naman ni Baldovino si William de Arca dahil mula umano nang maupo siya sa ahensya ng 2017 ay wala pang record na nasangkot ito sa kaso ng iligal na droga.

vuukle comment

BACOLOD CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with