Surigao del Sur nagtala ng 2 magkasunod na aftershocks sa malakas na lindol

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Phi­lippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng dalawang magkasunod na malakas na lindol kahapon sa Hinatuan Surigao del Sur.

Naitala ng PHIVOLCS ang 5.4 magnitude na lindol kahapon ng alas-8:23 ng umaga na ang sentro ng pagyanig ay nasa 077 kilometro ng timog silangan ng Cagwait Surigao del Sur.

Umaabot sa 015 kilo­metro ang lalim ng lupa ng naturang lindol. Bunga nito naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 5, sa Hinatuan Surigao del Sur at Intensity 4 sa Bislig City Surigao del Sur.

Bago ito, nakapagtala ang PHIVOLCS ng 5.3 magnitude na lindol alas- 8:10 ng umaga kahapon na ang sentro ng lindol ay nasa 083 kilometro timog silangan ng Cagwait Surigao del Sur .

Umaabot naman sa 009 kilometro ang lalim ng lupa ng lindol na ito na nagbunsod ng lakas ng lindol sa Intensity 5 sa Hinatuan Surigao del Sur at Intensity 4 sa Bislig City Surigao del Sur .

Ayon sa PHIVOLCS, ang magkasunod na lindol ay pawang aftershocks nang nagdaang malakas na lindol na 6.8 magnitude sa Cagwait  Surigao del Sur kamakailan.

Show comments