^

Probinsiya

Barangay Hall inatake: Chairman, 2 pa inutas!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Barangay Hall inatake: Chairman, 2 pa inutas!
Kinilala ang mga nasawi na sina Barangay Daja Diot Chairman Elizalde Tabon, 55, Kagawad Paulo Mendero, 52, at tanod na si Rusty Salazar.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang barangay chairman, kagawad at isang tanod nang pasukin sila sa loob mismo ng barangay hall nitong Sabado ng gabi sa San Isidro, Leyte.

Kinilala ang mga nasawi na sina Barangay Daja Diot Chairman Elizalde Tabon, 55, Kagawad Paulo Mendero, 52,  at tanod na si Rusty Salazar.

Isa pang brangay ta­nod ang sugatan na si Alex Bacor na nagpapagaling na sa ospital.

Sa ulat ng San Isidro Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi habang abala ang mga biktima sa pag-aayos ng educational assistance ng mga estudyante na residente ng barangay.

Dumating ang apat na suspek lulan ng dalawang motorsiklo, bumaba ang dalawa sa mga ito at tinu­ngo ang loob ng barangay hall habang ang dalawa ay nagsilbing lookout sa labas ng barangay hall.

Bago pumasok sa loob ng barangay hall ang dalawang gunman ay una nilang binaril si Salazar na nasa labas at pagpasok nila sa loob ng barangay hall ay saka nila pinagbabaril sina kapitan, kagawad at ang tanod. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo palayo ng lugar.

Sa ngayon ay patuloy pa na iniimbestigahan ng mga kapulisan ang nangyaring insidente, kung sino ang mga suspek at kung ano ang motibo nila sa ­pamama­­­s­­­­lang sa mga biktima.

Nagpatupad naman ng mga police checkpoints ang San Isidro, Leyte at mga kalapit na bayan nito upang hindi makalayo ang mga suspek.

TABON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with