BAGUIO CITY, Philippines — Nagtala ng mas mataas na rekord ang float parade ng Panagbenga (A Time of Blossoming) kahapon kung saan 34 flower bedecked floats ang gumulong mula ibaba sa Session Road paakyat ng Melvin Jones grandstand sa Burnham Park sa Baguio City kahapon.
Nasa 29 floats ang naglaban-laban sa iba’t ibang kategorya mula sa malaki hanggang sa maliit na floats na labis na kinagiliwan ng tinatayang 30,000 revelers o manonood na dumagsa sa lugar.
Ayon kay Baguio City police director Col. Francisco Bulwayan Jr., dumoble ang bilang ng mga dumagsang tao para manood ng float parade kumpara sa street dancing nitong Sabado.
Kinumpirma naman ni Anthony De Leon, Executive Committee chair ng private festival organizer Baguio Flower Festival Foundation, na ang mga entries ngayong taon ay halos dumoble kumpara sa average ng 14-15 floats ng mga nakaraang parada sa 28 taon nang selebrasyon.
“This is a historic record, considering that it is not easy to come up with a float. You have to spend a lot for a float,” ani De Leon.
Paliwanang ni De Leon, ang mapipiling winner sa flower floats ay base sa standards, na kadalasang 95 percent sa dekorasyon ay gawa sa fresh na mga bulaklak, tanim at dahon.
Ang malaking float ang tinatayang nasa P500,000, ang halaga na ginastos at tumataas pa ito dahil sa mga ginamit na sasakyan na inupahan.
Ang 14 medium-sized floats na naglaban-laban ay ang Bingo Plus, Commission on Elections, Converge ICT Solutions, Inc., KFC Philippines, Mang Inasal, Palawan Pawnshop and Palawan Express Pera Padala, Paragon Hotel and Suites, Procter and Gamble, Fresh N’ Famous Foods Inc. (Chowking), Unilever Phils. (Knorr), Unilever Phils. (Sunsilk), Unilever Phils. (Surf Fabric Conditioner), Unilever Phils. Inc. (Surf Powder), at Zaparita Garden.
Ang 13 big floats entries naman ay mula sa Bases Conversion Development Authority and John Hay Management Corp., Binggrae, Glamorouso Urdaneta City, GMA Kapuso’s “Walang matigas na pulis sa matinik na missis program”, Gorden Arches Corp./Mc Donalds Philippines, International Pharmaceutical Inc., Jollibee Foods Corp., National Authority for Child Care/Regional Authority for Childcare, Nongshim, Regasco, Pangasinan Solid North Transit, SCD, and Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.
Dalawa namang float ang naitalang nag-compete ngayong taon.