Higit 1,000 ektarya sinira ng forest fire sa Benguet
MANILA, Philippines — Winasak ng forest fire ang nasa mahigit 1,000 ektarya ng bulubunduking lugar sa Tuba, Benguet, ayon sa ulat ng awtoridad kahapon.
Sa report, 4 katao ang nasagip mula sa apat na oras na sunog sa kabundukan ng Tuba.
Nabatid na ang sunog sa Tuba ay isa lamang sa pitong forest fire na tumama sa probinsya ng Benguet, kasama ang Itogon, Kabayan at Bokod.
Sinabi ni BFP Tuba Fire Marshall Fire Senior Inspector Meson Asing Jr., na bagama’t patuloy ang sunog sa bundok, kontrolado na umano ito sa mga malalapit sa kabahayan at sa mga tower.
Sa datos ng BFP-CAR, mahigit 60 forest fires na ang naitala sa rehiyon mula noong Enero 1.
Naitala naman na mayroong 2,518 sunog ang sumiklab sa bansa mula Enero 1 hanggang Pebrero 23, 200 ay mula sa Metro Manila.
- Latest