Naaagnas na bangkay natagpuan sa Bulacan

HAGONOY, Bulacan, Philippines — Isang kalansay ng lalaki na nakitaan pa ng naaagnas na laman ang natagpuan sa Purok 3, Brgy. Sto. Niño sa bayang ito, kahapon ng umaga.

Ayon sa report, natagpuan ang bangkay ng isang residente sa gilid ng ilog sakop ng Purok 3, Brgy. Sto. Niño.

Nabatid na isang residenteng nagngangalang Mang Gemiliano ang nakadiskubre sa kalunus-lunos na kalansay.

Ayon sa nakalap na impormasyon, nakitaan ng damit pang-construction worker ang bangkay kaya tinatayang lalaki ito.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakatagpo sa di kilalang biktima.

Show comments