Mister nag-amok, tepok sa pulis

Ayon kay Barangay Kagawad Marivic Cauilan ng District 1, Benito Soliven, Isabela na may ilang saksi ang nakakita sa naturang suspek na pumasok sa isang bahay at nakakuha ng itak na kaniyang ginamit na armas sa pag-aamok.
File photo

BENITO SOLIVEN, Isabela, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang lalaki nang barilin ng rumes­pondeng pulis dahil sa umano’y pag-amok nito sa District 1 dito sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Barangay Kagawad Marivic Cauilan ng District 1, Benito Soliven, Isabela na may ilang saksi ang nakakita sa naturang suspek na pumasok sa isang bahay at nakakuha ng itak na kaniyang ginamit na armas sa pag-aamok.

Dahi sa ginagawa nitong panghahabol ng itak ay natakot ang maraming residente kung saan ay nagawa pa nitong tagain ang isang tricycle kung saan maswerteng nakatakbo ang driver na siya namang nagsumbong sa mga pulis na agad rumes­ponde sa naturang lugar.

Pagdating ng mga pulis ay nadatnan ang suspek na may hawak na bato at itak saka hinabol ang mobile, nang huminto ang sasakyan ay sumakay naman umano ang suspek,subalit tinaga nito ang salamin sa likuran ng driver at nabasag bumaba pa umano ulit sa mobile ang suspek bago muling nanghabol ng taga.

Dito na pinaputukan ang suspek na nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang paa,subalit sa halip na tumigil ay patuloy pa rin nitong hinabol ang mobile kaya naman napilitan ang mga rumespondeng pulis na muling paputukan ang suspek.Dinala ito sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.

Show comments