MANILA, Philippines — Hiniling ng mga residente ng Barangay Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal na imbestigahan ang patuloy na pagtambak ng lupa sa ilog na malapit sa Birminghan Sunrise Subdivision sa San Mateo, Rizal. Kaya’t nanawagan sila sa tanggapan ni Mayor Bartolome Rivera Jr. ang pagresponde upang itigil ang pagtatambak ng lupa sa ilog at maalis ito sa naturang lugar.
Ayon sa kanila, ang pagtambak ng lupa ay nagdudulot ng pagbabago sa daloy ng tubig at nagpapalala ng mga problema sa baha.
Bukod pa rito, humihiling ang mga residente ng agarang isagawa ang pag-dredging ng ilog sa kanilang barangay.
Ang paglilinis at pagpapalalim ng ilog ay magbibigay ng sapat na kapasidad upang maipon ang tubig mula sa malalakas na pag-ulan na posible na magiging proteksyon sa mga ari-arian at kabuhayan ng mga residente laban sa mga pinsalang dulot ng baha.
Kasabay ng pagtigil sa pagtambak at pag-dredging ng ilog, hinihiling din na magsagawa ng isang malawakang imbestigasyon upang matiyak na ang mga desisyon at mga hakbang na isinagawa ay sumusunod sa proseso at batas.