'Profound loss': 15 patay sa Negros Oriental sa pagbagsak ng trak sa bangin

Litrato ng nahulog na trak sa Mabinay, Negros Oriental, ika-21 ng Pebrero, 2024
Released/Mabinay Municipal Police Station

MANILA, Philippines — Ipinagluksa ang pagkamatay ng lagpas isang dosenang katao matapos ang pagkahulog ng isang trak sa Mabinay, Negros Oriental nitong Miyerkules ng hapon.

Kahapon lang nang mahulog sa bangin ang isang Isuzu Canter matapos diumano mawalan ng kontrol ang nagmamaneho nito sa kurbada ng kalsada.

Sinasabing patungong Bayawan City ang sasakyan bago mahulog sa kahabaan ng isang highway sa Sitio Tubod sa Brgy. Bulwang.

"I extend my deepest condolences to the bereaved families and friends of the fifteen individuals who tragically met their demise in the accident. My thoughts are with you during this difficult time, and I am one with you in grieving their untimely passing. May eternal rest grant unto them," wika ni Negros Oriental Rep. Josy Limkaichong ngayong Huwebes.

"The passing of these fifteen individuals from La Libertad is not only a personal loss but a profound loss for the whole 1st District of Negros Oriental."

 

 

Pawang mga livestock buyers ang dala ng truck bago masawi habang dalawang pasahero naman ang ginagamot sa Mabinay Community Hospital matapos magtamo ng sugat.

Sa ulat ng The Freeman, bandang 1:46 p.m. nang malaglag ang mga nabanggit sa 50-metrong bangin dahil sa pagkakawala ng preno.

Ilan sa mga namatay ang mga sumusunod:

  • Ireneo Magos
  • Fe Decipolo
  • Rolindo Decipolo Sr.
  • Jemboy Egoogan
  • Rolindo Decipolo Jr.
  • Marlon Solidad
  • Rex Decipolo
  • Rene Magos
  • Allan Flores
  • Allen Pocong
  • Remond Llenes
  • Roy Magos
  • Leo Soreño
  • Jacob Labrador
  • Almar Egoogan

Kinilala naman ang mga survivor bilang sina Antonio Toreno, ang driver ng sasakyan, at isang Jovanni Flores.

 

 

Killer highway?

Sa panayam ng state-owned PTV kay PMaj. Nelson Lamoco, hepe ng Mabinay Police Station, naisugod pa sa ospital ang isa sa mga namatay ngunit binawian din ng buhay buhat ng kritikal na kondisyon.

Dagdag pa ni Lamoco, nakakuha nang maraming fractures bali sa mga buto si Gargole. Sabi pa ng hepe, itinuturing ding "killer highway" ang pinangyarihan ng insidente.

"My office has already extended assistance to the victims remaining in the hospital and will also be sending financial assistance to the bereaved families with the help of the Department of Social Welfare and Development Region VII," dagdag pa ni Limkaichong kanina.

"I enjoin all Negrosanons to pray for the eternal repose of the souls of the victims, as well as for their families who are experiencing the grief and pain of their loss."

Show comments