459 PDLs ng NBP inilipat sa iwahig

MANILA, Philippines — Maayos na nailipat nitong Sabado sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan ang 459 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NPB) sa Muntinlupa City, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sa kabuuan, umabot na sa 1,254 ang bilang ng mga PDLs na inilipat sa iba pang operating prison at penal farm ng BuCor mula Enero ng taong ito.

Inihayag ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na batay sa report na isinumite sa kanya ni Acting NBP Superintendent, C/Chief Inspector Roger Boncales, kabilang sa inilipat ang isang inmate na ibiniyahe ng IPPF na sakay ng ambulansiya matapos ma-diagnose na  may Hypokalemia.

Ang hypokalemia ay kapag ang dami ng potassium sa iyong dugo ay masyadong mababa.

Ayon kay Catapang, ang paglipat ng mga PDL sa labas ng Metro Manila ay isang stop gap measure sa pagbawas ng overcrowding sa NBP habang hinihintay ang budget para sa pagtatayo ng regional correction facilities bilang bahagi ng medium and long term development and modernization plan nito.

Show comments