MANILA, Philippines — Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya ng Carmona Police tungkol sa pagkakadiskubre sa bangkay ng isang lalaki na walang ulo, kamakalawa ng hapon sa Davilan Road, Brgy. Lantic, Carmona, Cavite.
Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan sa bangkay na natagpuan, alas-5:10 ng hapon.
Sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concern citizen na natagpuang bangkay ng lalaki na pugot ang ulo.
Tinatayang may taas itong 5’6” at may tattoo sa kanang dibdib.Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.