MANILA, Philippines — Pinalakas ni San Pedro City lone district Congresswoman Ann Matibag ng lalawigan ng Laguna ang Sampaguita planting industry para pagyamanin ang kapaligiran ng kanyang nasasakupan at iangat ang kabuhayan ng mga tao.
Sa likod ng suporta ni Sen.Loren Legarda sa pangangalaga sa kalikasan, ipinagpatuloy at dinoble ng 40-anyos na mambabatas ang kanyang Sampaguita planting programs sa San Pedro at muling binuhay ang Sampaguita capital ng bansa.
“We are optimistic that the Sampaguita industry will continue to bloom nationwide with our project,” wika ni Matibag.
Nagtatanim si Matibag kasama ang mga teachers, school personnels, barangay officials, TUPAD workers at iba pa nilang kababayan ng Sampaguita sa mga bakanteng lote, eskuwelahan at iba pang lugar sa 27 barangays para mapanatili ang main livelihood programs sa mga susunod pang taon.
Nakipagtambal si Matibag sa School District Office na nauna nang sinimulan ang pagtatanim ng Sampaguita sa mga school gardens.
Hinihikayat ni Matibag, isang committee member ng housing and urban development, natural resources at trade and industry sa House of Representatives na pinamumunuan ni Speaker Martin Romualdez, ang lahat ng tao pati ang kanyang mga kapwa lawmakers na suportahan ang local Sampaguita industry.
Nagpasalamat siya sa suporta ni Legarda sa DOLE Integrated Livelihood Program “Kabuhayan” sa San Pedro kung saan ang Sampaguita growing ay isa sa kanilang mga programa na nagbibigay ng basic business opportunities at trabaho sa mga tao.