Rider nasalpok ng jeep, nakaladkad ng trak

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider matapos mahagip ang reserbang gulong ng pampasaherong jeep at makaladkad ng trailer truck sa Brgy. Iba ng lungsod na ito, kamaka­lawa ng umaga.

Kinilala ni PCol. Relly Arnedo, Bulacan Police Director ang nasawi na si Ronilo Mabiling na sakay ng Yamaha NMax motorcycle habang ang pampasaherong jeep na may plakang CWF 341 ay minamaneho ni Roberto Dulalia at ang trailer truck, isang Isuzu Rebuilt Truck na may plakang CAO 1115 ay minamaneho ni Jhonlord Vincent Sebial.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, alas-8:35 ng umaga ay na sinubukan ng biktima na lampasan ang pampasaherong jeep na nagbababa ng pasahero sa kahabaan ng Iba Road, Barangay Iba.

Gayunman, tumama ang motorsiklo sa reserbang gulong ng pampasaherong jeep kaya’t tumilapon ito at nakaladkad ng likurang gulong ng paparating na trailer truck.

Show comments