^

Probinsiya

62-anyos, pinugutan ng adik na pamangkin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
62-anyos, pinugutan ng adik na pamangkin
Kinilala ang biktima na si Cristitulo Broñona Casinillio, 62, na nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan at pinugutan pa ng ulo ng kanyang sariling pamangkin na si Jorge Camay Casinillio; kapwa residente ng Sitio Malaumon, Barangay Tinubdan ng nasabing bayan.

MANILA, Philippines — Isang senior citizen ang pinagtataga at pinugutan ng ulo ng kanyang pamangkin na lulong sa iligal na droga kahapon ng umaga sa Daanbantayan, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Cristitulo Broñona Casinillio, 62, na nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan at pinugutan pa ng ulo ng kanyang sariling pamangkin na si Jorge Camay Casinillio; kapwa residente ng Sitio Malaumon, Barangay Tinubdan ng nasabing bayan.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni P/Sr. Master Sgt. Alfredo Mandal, chief investigator ng Daanbantayan Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng uma­ga sa nasabing lugar.

Bago ito, hawak ng biktima ang kanyang alagang manok nang lapitan ng pamangkin na armado ng dalawang itak.

Agad na pinagtataga ng suspek ang tiyuhin. Hindi pa siya nakuntento, pinugot pa nito ang ulo ng matanda bago mabilis na tumakas sa lugar.

Nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspek subalit kalaunan ay sumuko rin sa himpilan ng pulisya.

Sinabi ng suspek na nasa ilalim ng impluwensya ng iligal na droga, na nagalit siya sa kanyang tiyuhin dahil sa karibal umano niya ito sa panliligaw kay “Gretchen Barreto”.

Nasa kustodiya na ng Daanbantayan Police ang suspek at nahaharap sa kasong murder.

CRIME

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->