‘Drug dealer’ utas sa buy-bust, P3.4 milyong shabu samsam

Kinumpirma nitong Lunes ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pagkakapatay sa isa sa mga suspek na kinilalang si Aldun Hussin nang mang-agaw umano ng baril sa mga pulis na aaresto sa kanya.
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Isa sa dalawang hinihinalang drug dealers ang napatay ng awtori­dad nang manlaban sa inilatag na buy-bust operation sanhi ng pagkakakumpiska ng may P3.4-milyong halaga ng shabu sa Maimbung, Sulu nitong Linggo, February 4, 2024.

Kinumpirma nitong Lunes ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pagkakapatay sa isa sa mga suspek na kinilalang si Aldun Hussin nang mang-agaw umano ng baril sa mga pulis na aaresto sa kanya.

Naaresto naman ang kasama ni Hussin na si Alex Hussin sa naturang operasyon sa Barangay Poblacion sa Maimbung. 

Nabatid na isinagawa ang entrapment operation na nagresulta sa pagka-kumpiska ng kalahating kilong shabu sa dalawang suspek na nagkakahalaga ng P3.4 million, sa tulong ng mga units ng Sulu Provincial Police Office at mga intelligence agents ng Philippine Army na nakadestino sa Sulu, ayon kay Castro. 

Nasa magkatuwang na kustodiya na ng PDEA-BARMM at Sulu Provincial Police Office ang na-entrap na si  Hussin na nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Show comments