^

Probinsiya

Tepok sa landslide at baha sa Davao region, 6 na

Danilo Garcia, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Tepok sa landslide at baha sa Davao region, 6 na
Situation at Km. 74, Purok 1B, National Highway, Brgy. Sawangan, Mawab in Davao de Oro.
Facebook / Provincial Government of Davao de Oro

MANILA, Philippines — Umabot sa anim na indibiduwal ang nasawi sa mga pagbaha at landslide sa Davao region na sinalanta ng mga pag-ulan dulot ng extension ng low pressure area nitong nakaraang ilang araw.

Nitong Huwebes narekober ng mga rescuers ng Maragusan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Davao de Oro ang mga biktimang sina Virginia Buhian, 59,  Ananias Andoy, 56; at Jerlyn Lada,12, bunsod ng landslide sa Purok Buongon, Sityo Saranga, Poblacion, Maragusan.

Ayon sa MDRRMO, isa pang lalaki ang nawawala at patuloy na pinaghahanap ng retrieval team. Nasa 23 landslide ang naitala sa nasabing bayan.

Sa katabing bayan naman na New Bataan, nasa 10,000 indibiduwal ang inilikas dahil sa mga pagbaha.

Kaugnay nito, tumulong na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paglilikas sa mahigit libong residente ng iba’t ibang barangay sa Davao region na apektado ng matinding pagbaha dulot ng walang humpay na malakas na ulan.

Sa ulat ng Coast Guard District Southern Mindanao (CGDSEM), higit sa 1,300 residente ng Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, at Davao City ang kanilang nailikas ngayong linggo.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysi­cal, and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang malakas na ulan ay dulot ng “amihan” na siyang nagdadala ng “low-pressure area” sa nasabing rehiyon.

Ilang kalsada ang hindi madaanan sa Davao de Oro at Davao Oriental dulot ng mga landslides at baha; ma­tindi rin ang pagbaha sa Compostela, Montevista, Monkayo, Nabunturan, at New Bataan sa Davao de Oro.

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with