‘Most wanted’ na Indian, nalambat sa Rizal

MANILA, Philippines — Isang Indian national na wanted sa kasong acts of lasciviousness ang inaresto ng mga pulis sa Rizal, kamakalawa.

Kinilala lang ang suspek na si alyas “Ajay”,’ 28, at residente ng Plaza Aldea, Tanay, Rizal.

Batay sa ulat ng Pililla Municipal Police Station, dakong alas-8:30 ng umaga nang maaresto ang dayuhan na kabilang sa most wanted person, sa Brgy. Bagumbayan, Pililla, Rizal.

Siya ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Presiding Judge Hon. Ma. Lourdes Santos Mendoza ng Siniloan, Laguna Regional Trial Court, Branch 166, sa kasong three counts ng Crimes of Lascivious Conduct.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng dayuhan, na nakapiit na sa local na pulisya habang hinihintay pa ang commitment order ng hukuman laban sa kanya.

Show comments