^

Probinsiya

P10.5 milyong smuggled fuel ng Bataan gas station, kinumpiska ng BOC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P10.5 milyong smuggled fuel ng Bataan gas station, kinumpiska ng BOC
Ang operasyon sa V Fuel Gasoline Station sa kanilang compound na matatagpuan sa Roman Super Highway, Brgy. Mabatang sa Abucay,Bataan ay ipinagpatuloy matapos na ang LOA ay kilalanin ng gasoline station at compound representatives.
Photo courtesy of BOC

MANILA, Philippines — Kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang nasa 3,100 litro ng smuggled fuel at sto­rage tanks na nagkakahalaga ng P10.5 milyon mula sa V Fuel Gasoline Station sa kanilang compound sa Abucay, Bataan,matapos na ang kanilang fuel mar­king test ay makakuha ng “failed” results. Ipinatupad ng mga ahente mula sa Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) at personnel mula sa Enforcement and Security Service (ESS) at National Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang Letter of Authority (LOA) na inisyu ni Customs Commissioner Bien Rubio.

Ang operasyon sa V Fuel Gasoline Station sa kanilang compound na matatagpuan sa Roman Super Highway, Brgy. Mabatang sa Abucay,Bataan ay ipinagpatuloy matapos na ang LOA ay kilalanin ng gasoline station at compound representatives.

Sinabi ni BOC-CIIS Director Verne Enciso na nadiskubre at ininspeksiyon ng team ang nasa 2,587 litro ng diesel fuel, 3,134 litro ng unleaded gasoline, at 5,342 litro ng premium gasoline.

Sinabi pa ni Enciso na ang fuels naman na natagpuan sa gasoline station ay nakapasa sa fuel marking test na isinagawa ng SGS Mobile Laboratory - Subic at ESS Fuel Marking Team, ngunit kinakailangan pa rin ng may-ari nito na magpakita ng proof of payment of duties and taxes para sa imported fuels.

Sa koordinasyon ng BOC Port of Limay, ang team na may assigned Customs examiners ay nagsagawa ng inventory at inspection noong Miyerkules, Enero 31, 2024 na sinaksihan ng CIIS-MICP agents, ESS agents, at ng warehouse representative.

Ayon kay Deputy Commissioner for Customs Intelligence Group Juvymax Uy, ang naturang pinakahuling operasyon ay hindi magiging posible kung walang proper coordination sa mga key agencies at authorities.

SMUGGLED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with