Ex-mayor sa Quezon, kinasuhan ng ‘perjury’

MANILA, Philippines — Nahaharap sa asuntong “perjury ang dating alkalde ng bayan ng Tiaong sa lalawigan ng Quezon ang binuweltahang kasuhan ng isang negosyante na unang pinagbintangan nitong tumangay ng multi-milyong pera sa kanya.

Kasong paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code na Perjury o Pagsisinungaling ang kakaharapin ng dating alkalde na si Ramon Preza sa Lucena City Regional Trial Court Branch 53, base na rin sa ipinalabas na resolusyon ng Lucena City Prosecutor’s Office noong Enero 11, 2024.

Ang nasabing kaso ay nag-ugat nang akusahan ni Preza ng pandaraya at panloloko ang negosyanteng si Frankie Ong sa perang nagkakahalaga ng higit P46 milyon. Gumamit pa umano si Preza ng isang pekeng dokumento para palabasin na opisyal siya ng isang kumpanya na ginamit sa transaksyon.

Pero lumabas sa imbestigasyon na ang nasabing halaga ay personal na loan lamang ni Ong kay Preza at hind siya konektado sa sinasabing kumpanya, ayon na rin sa counter-affidavit na isinumite ni Preza sa Makati Prosecutors Office.

Pansamantala namang nakalalaya si Preza matapos maglagak ng P25,000 na piyansa makaraang magpalabas ng warant of arrest ang korte laban sa kanya noong Enero 19, 2024.

Samantala, ibinasura ang reklamong “Falsification” sa ilalim ng Article 172 ng Revised Penal Code laban kay Preza, makaraang mabigo na magpakita ng ebidensya na pineke ang dokumento na ginamit laban kay Ong.

Show comments