Matadero na ‘most wanted’ sa rape, nalambat

BALAGTAS, Bulacan, Philippines — Nadakip ng mga pulis ang isang matadero na may kasong 3 counts of rape sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Wawa ng nasabing bayan kamakalawa ng gabi.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director PCol.Relly Arnedo, kinilala ang nadakip na suspek na si Romnick Rey Y De Guzman, 35-anyos, Matadero, residente sa nabanggit na barangay.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-6:25 ng gabi nang madakip si Rey na most wanted person sa Municipal Level ng Balagtas.

Inaresto si Romnick sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Branch 9 RTC judge Veronica Vicente De Guzman sa kasong 3-counts ng rape.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Balagtas Municipal Jail kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Show comments