MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Aabot sa P108,000 na halaga ng ipinagbabawal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na drug bust operation sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa ng gabi.
Sa siyudad ng Meycauayan, dalawang high value individual ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Lawa, Meycauayan City.
Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, Bulacan Police Director ang dalawang naarestong suspek na sina Charlie Carillo, 41, binata, helper ng Magdalena st. Brgy. 150 Bagong Barrio, Caloocan City at Arman Ramirez, 33, binata, walang trabaho ng Blanco Compound, Brgy. Bancal, Meycauayan City, Bulacan. Nakumpiska sa dalawa ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P34,516.00.
Kasabay nito, 36 na sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa 9 na drug suspect sa magkakahiwalay na drug bust operation sa bayan ng Obando, Plaridel, Sta. Maria at sa siyudad ng San Jose del Monte at Malolos sa Bulacan.
Aabot sa P73,712.00 ang halaga ng nakumpiskang shabu mula sa nasabing operasyon sa Obando.