^

Probinsiya

‘Polluting firms’ sa Pampanga, ipinasasara

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nananawagan si Jess Lim Arranza, ang pangulo ng Federation of Philippine Industries, Inc., para maisailalim sa isang ocular inspection ang umano’y illegal lead smelting ope­rations na isinasagawa sa mga ilog na bumabagtas sa San Simon, Pampanga.

Sa isang pulong sa mga miyembro ng Capampangan in Media Inc. (CAMI), ipinakita ni Arranza sa mga mamamahayag ang isang videoconference kung saan nakausap niya si Brgy. Chairman Raul Mangay, na ang mga constituents ay nagrereklamo hinggil sa itinatapon na nakalalason umanong materyales sa ilog.

Ayon kay Mangay, ang naturang discharge ng toxic materials sa ilog ay nagreresulta sa fish kill. Naglalabas din umano ng masangsang na amoy ang mga bodega sa lugar na pinaniniwalaan niya na siyang nagkukubli sa operasyon.

Nabatid na ang mga naturang bodega ay ba­hagi ng isang industrial park na nag-o-operate sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority.

Ipinaabot na ni Arranza, isang environmentalist, ang isyu sa atensiyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. noong Agosto, 2023 at agad umanong ipinag-utos ng Pangulo na maimbestigahan ito at agarang ipa­sara ang mga kumpanya, kung kinakailangan, ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin umanong nagdurusa ang mga residente mula sa polusyon sa tubig at hangin.

Ani Arranza, ang pag-recycle ng lead acid batteries ay isang malaking negosyo. Kinakatas ng mga kumpanya ang lead mula sa mga hindi na ginagamit na baterya ng kotse at truck at ginagawa itong mga bullion at saka ipinagbibili sa mga manufacturers sa bansa at ma­ging sa ibayong dagat.

Dagdag pa niya na ang recycling ay isang kapuri-puring operasyon ngunit kailangang tiyakin na ang mga kinakailangang safeguards ay nasa ayos, partikular na kung ang sangkot dito ay pag-aasikaso ng mga toxic materials, gaya ng lead.

 “Lead is dangerous,” ani Arranza. “Traces of the substance, if ingested, say, from contaminated fish or inhaled from polluted air, could affect the physical and mental development of children,” dagdag nito.

Dapat aniyang kumuha ng environmental certificate sa DENR ang mga kumpanyang sangkot sa ganitong uri ng negosyo bilang karagdagan sa permit na mula sa lokal na pamahalaan.

FEDERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with