^

Probinsiya

P105.16-M agri, infra damage naitala sa Mindanao dulot ng 'shear line'

James Relativo - Philstar.com
P105.16-M agri, infra damage naitala sa Mindanao dulot ng 'shear line'
Litrato ng mga pagbahang nakunan sa Caraga, Davao Oriental
Released/Caraga Mps Pnp

MANILA, Philippines — Lagpas P100 milyong halagang pinsala ang itinamo ng sama ng panahon sa Davao Region at Caraga simula noong isang linggo — bagay na pumatay na sa 16 katao.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes, pumalo na sa P78.11 milyon na ang estimated agricultural damage sa mga sumusunod na lugar:

  • Region XI: P64,069,839
  • CARAGA: 14,040,579.6

Umabot na sa 6,375 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng naturang sama ng panahon, matapos itong magdulot ng mga pagguho ng lupa at mga baha.

Halos 8,300 ektaryang lupain at palaisdaan naman ang sinasabing napinsala ng shear line, ang ilan dito ay partially o 'di kaya'y totally damaged.

"The estimated cost of damage to infrastructure amounting to Php 27,050,000 was reported in Region 11," dagdag pa ng NDRRMC ngayong umaga.

"A total of 569 damaged houses are reported in Region 11, CARAGA."

Pumalo na sa siyam na lungsod/munisipalidad at isang barangay ng isinailalim sa state of calamity sa ngayon dulot ng sama ng panahon, dahilan para magpatupad doon ng mga automatic price freeze sa mga pangunahing pangangailangan alinsunod sa batas.

Halos 770,000 katao nasalanta

Ayon sa pinakahuling tala ng NDRRMC, nasa 768,387 katao na ang nasasalanta ng naturang shear line simula nooong ika-14 ng Enero, kabilang na ang sumusunod:

  • patay: 16
  • sugatan: 5
  • lumikas: 19,406
  • nasa loob ng evacuation centers: 2,770
  • nasa labas ng evacuation centers: 16,636

Una nang nagkansela ng mga klase (50) at trabaho (31) sa mga sumusunod na lungsod at munisipalidad sa Davao Region at CARAGA dulot ng sama ng panahon.

Bilang tugon, nakapagbigay naman na ng P62.57 milyong halaga ng ayuda sa mga nabanggit na erya sa porma ng gamot, family food packs, hygiene kits atbp.

CARAGA

DAVAO REGION

FLOODING

LANDSLIDES

NDRRMC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with