^

Probinsiya

Pamilyang apektado ng kaguluhan sa Agusan del Norte, tumanggap ng farm equipment

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Pamilyang apektado ng kaguluhan sa Agusan del Norte, tumanggap ng farm equipment
Mahigit 100 na pamilyang naghirap dahil sa mga labanan ng militar at New People’s Army ang makikinabang sa mga farm equipment na ipinamahagi ng International Committee of the Red Cross.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Mahigit 100 na pamilya sa mga liblib na barangay sa Cabadbaran City sa Agusan del Norte ang tumanggap ng farm equipment mula sa International Committee of the Red Cross bilang ayuda upang maibalik sa normal ang kanilang pagsasaka na labis na naapektuhan ng kaguluhan nitong nakalipas na mga buwan.

 Sa ulat nitong Lunes ni ICRC Press Relations Officer Rachel Malaguit, kabilang sa mga makikinabang sa kanilang pagbigay ng corn sheller at mill, o gilingan, sa mga residente ng naturang lungsod ay mga taga-Sitio Lusong sa Brgy. Puting Bato.

  Ayon sa mga lokal na kinauukulan at mga opisyal ng Police Regional Office-13, labis na naapektuhan ang pagsasaka ng mga residente sa naturang barangay at ng iba pa sa mga karatig na pook ng mga engkwentro ng mga tropa ng pamahalaan at ng mga kasapi ng teroristang grupong New People’s Army nitong nakalipas na mga buwan.

Una nang sinanay ng mga taga-ICRC at mga kawani ng agriculture office ng Cabadbaran City government ang miyembro ng 107 na apektadong pamilya sa modernong paraan ng pagsasaka, binigyan pa ng rasyong pagkain at mga binhi ng mais at kalabasa na maaari nilang itanim sa kanilang mga sakahan.

Naniniwala ang banyagang si Ishfaq Muhammad Khan, isang mataas na ICRC official dito sa bansa, na malaki ang maitutulong ng farm machinery na kanilang ipinamahagi sa mga residente ng Cabadbaran City sa ikakaginhawa ng kanilang mga buhay.

FAMILY

RED CROSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with