COTABATO CITY, Philippines — Isang matagal nang minamanmanan na hinihinalang shabu dealer ang napatay ng mga pulis sa isang buy-bust operation sa Mandug, Davao City nitong Linggo ng madaling araw.
Unang nagpaputok ng baril ang suspect na kinilalang si Jeppy Eguia sa mga katransaksyon nang mahalatang hindi sila unipormadong mga pulis na bibili sana sa kanya ng P80,000 na halaga ng shabu.
Napilitang gumanti ng putok ang mga kasapi ng Davao City Police Office sa naturang insidente na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.
Matagal nang under surveillance si Eguia ng mga anti-narcotics agents ng Davao CPO dahil sa mga ulat hinggil sa malakihang pagbebenta umano niya ng shabu sa Mandug at mga karatig barangay sa Davao City.