^

Probinsiya

7 patay matapos landslide, pagbaha dulot ng CARAGA, Davao shear line

James Relativo - Philstar.com
7 patay matapos landslide, pagbaha dulot ng CARAGA, Davao shear line
Ilang kuha ng mga pagguho ng lupa at pagbaha sa at City of Mati, Davao Oriental.
Released/Provincial Government of Davao Oriental

MANILA, Philippines — Umabot na sa pitong katao ang naiulat na namatay dulot ng shear line sa CARAGA at Davao Region ngayong linggo, bagay na nagdala ng mga pagguho ng lupa at pagbaha.

Sinabi ng Office of Civil Defense ngayong Biyernes na bineberipika pa sa ngayon ang pitong nasawi at dalawang sugatan sa mga naturang rehiyon:

  • apektadong populasyon: 270,206
  • nasa loob ng evacuation centers: 14,921
  • nasa labas ng evacuation centers: 21,870

Martes lang nang maapektuhan ng shear line ang silangang bahagi ng Visayas at Mindanao na siyang nagdala ng flooding  at landslide incidents.

"OCD Regional Offices, concerned [Local Disaster Risk Reduction Management Offices], and government agencies are conducting coordination and monitoring," wika ng OCD ngayong araw.

"[We have already] prepositioned response resources and man power [and] conducted preemmptive evacuation and provided assistance to evacuees."

Kasalukuyang nasa state of calamity ang barangay Cambanogoy sa Asuncion (Saug), Davao del Norte matapos ang insidente dahilan para magpatupad doon ng automatic price freeze sa mga batayang pangangailangan sa mga susunod na araw.

Dahil sa sama ng panahon, limang lugar pa rin ang walang kuryente habang 11 na kalsada at apat na tulay ang hindi madaanan. Bukod sa isang bahay na napinsala, wala pang datos ang gobyerno patungkol sa halaga ng damages sa infrastructure at agriculture.

Umabot naman na sa P6.47 milyong halaga ng ayuda na ang naibibigay sa mga nasalanta bilang pagtugon sa sama ng panahon.

CARAGA

DAVAO REGION

FLOODING

LANDSLIDE

NDRRMC

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with