MANILA, Philippines — Magkasamang itinaguyod ng National Housing Authority kasama si First Lady Louise Araneta-Marcos sa unang Lab for All Caravan ngayong 2024 na nagkaloob ng serbisyo publiko sa libu-libong benepisyaryo nito na ginanap sa Quezon Convention Center sa Lucena City.
Sa kanyang mensahe, binanggit ng Unang Ginang Marcos na ang Lab for All Caravan ay hango sa isa sa mga layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na ilapit sa bawat mamamayan ang serbisyo publiko.
“My husband said, ‘we should bring government services closer to the people and not the other way around’, so this is our way of making his promise come true,” sabi ng Unang Ginang.
Bilang bahagi ng caravan, nagtayo ang NHA sa pamamagitan ni NHA Region IV Manager Roderick T. Ibañez at Quezon District Officer-in-Charge Romeo A. Mediavillo ng isang booth upang matugunan ang iba’t ibang katanungan ng mga benepisyaryo ukol sa mga programang pabahay ng ahensya bilang suporta sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) ng administrasyon.
Sa caravan nakilahok din ang ibang ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay serbisyo tulad ng Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Commission on Higher Education (CHED), Department of Agriculture (DA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Migrant Workers (DMW), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Food and Drug Administration (FDA), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Public Attorney’s Office (PAO), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).