MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang karnaper ang naaresto at pitong sasakyan ang nabawi sa magkakasunod na isinagawang anti-carnapping operations ng mga operatiba ng Highway Patrol Group-Calabarzon.
Kinilala ni Col. Rommel Estolano, HPG4-A Regional director, ang dalawang naaresto na sina alyas Habla at Maliwat sa kanilang crackdown operation laban sa mga miyembro ng carnapping syndicate in Rizal and Laguna.
Ayon pa kay Estolano na nakarekober sila ng 7 sasakyan na pag-aari ng car rental traders na pawang biktima na kung tawagin ay ‘rent-tangay, rent-sangla-benta-bawi modus operandi.
Ang mga nabawing sasakyan ay Montero Sport car (NDE4966), 2 Toyota Vios (DAQ-9683) at (DBF4282) na pag-aari nina Joseph Landicho at Joey Salomon at tatlo pang sasakyan na may mga plakang (NGY-1235), (CBE-663), (NFO-5711).
Ayon kay Lt. Arvin Ramos, HPG4a chief investigator and Corporal Ian Nuestro, officer-on-case, na ang bagong modus operandi ng mga suspek ay nakawin sa mga may-ari ng sasakyan sa car rental business sa pamamagitan ng “rent-tangay” na pagkatapos na rentahan ay hindi na ito ibabalik at ibebenta sa mga murang halaga o isasanla sa ibang tao.