Aleman pinalo sa ulo, dedo
DINALUPIHAN, Bataan - Isang German national ang nasawi matapos ang ilang araw na pagkaospital nang paluin ng matigas na bagay sa ulo sa loob ng kanyang lupain sa sa Sitio Kasoy, Brgy. Tubo Tubo sa bayang ito kamakalawa.
Kinilala ng pulisya, ang nasawing biktima na si Tomas, Earnst Berberich, 66-anyos, residente ng nasabing lugar.
Nakatanggap umano ng tawag sa telepono ang mga tauhan ng Brgy. Tubo Tubo at nang puntahan ang lugar ay nakita na duguang nakahandusay ang dayuhan kaya’t agad na ipinagbigay alam sa pulisya.
Ang biktima ay nadala sa pagamutan at makalipas ang ilang araw ay nasawi rin ito dahil sa mga malalaking sugat na tinamo sa ulo.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang kahoy na duguan na pinaniniwalaan na ginamit sa paghataw sa biktima.
- Latest